Gravità y mente.

The force that attracts a body towards mind.
I'm half awesome and half dumb.

18, and I don't like talking to people but I love making them smile

June 1, 2012 at 8:57am
93 notes
Reblogged from tumblrmagph
A PUNCH-DRUNK ERA
What better way to wrap up our magazine’s first volume, than to release an issue that tackles the popular culture, the latest trends and the ‘Now’ generation. The need to temporarily change the title font was even part of showing our devotion to this month’s theme.
On our 12th issue, we invited the guy, basking in his prime youth, and simply having the time of his life. We give you, JAMES ‘gravityymind’ HERNANDO, the face that makes some girls feel like they’re living their teenage dream. He once confessed to me that he wanted to enter the entertainment and media industry.
It is a cruel world run by the rich, famous and of course, the demigods of beauty. But the common denominator among the three is that they have the guts and the brains. Judging from the way he blogs and express his feelings, I won’t be surprised if James would be the next TV icon you’ll see on the local television or the famous name behind every local TV projects and shows.
But aside from this young dreamer’s burning passion for the local Hollywood, it is admiring that at a young age, he’s very opinionated about some matter regarding the boiling issues of his generation. He’s open to talk about it, deliver his point, trying not to bump into someone’s feelings and principles. You will get to know more about James Hernando as this issue progress.
Read More
Wow, thank you Tumblr Mag, Dexter and the rest of the people who are also part of this. Again, thank you and stay awesome Tumblr Mag!

A PUNCH-DRUNK ERA

What better way to wrap up our magazine’s first volume, than to release an issue that tackles the popular culture, the latest trends and the ‘Now’ generation. The need to temporarily change the title font was even part of showing our devotion to this month’s theme.

On our 12th issue, we invited the guy, basking in his prime youth, and simply having the time of his life. We give you, JAMES ‘gravityymind’ HERNANDO, the face that makes some girls feel like they’re living their teenage dream. He once confessed to me that he wanted to enter the entertainment and media industry.

It is a cruel world run by the rich, famous and of course, the demigods of beauty. But the common denominator among the three is that they have the guts and the brains. Judging from the way he blogs and express his feelings, I won’t be surprised if James would be the next TV icon you’ll see on the local television or the famous name behind every local TV projects and shows.

But aside from this young dreamer’s burning passion for the local Hollywood, it is admiring that at a young age, he’s very opinionated about some matter regarding the boiling issues of his generation. He’s open to talk about it, deliver his point, trying not to bump into someone’s feelings and principles. You will get to know more about James Hernando as this issue progress.

Read More

Wow, thank you Tumblr Mag, Dexter and the rest of the people who are also part of this. Again, thank you and stay awesome Tumblr Mag!

(via gravityymind)

May 29, 2012 at 10:31am
68 notes
Reblogged from gravityymind

Hindi mo naman kailangang magbago para lang sa taong mahal mo.

Kung mahal ka talaga niya tatanggapin niya kung sino at ano ka. Hindi mo kailangang magbago sa panibagong pagkatao na hindi naman talaga ikaw.

Alam mo kung bakit hindi mo kailangang magbago? Dahil sa nakilala ka niyang ganyan kaya dapat kung anong pagkakakilala niya sa’yo at kung sino ka, dapat tanggapin niya yun ng buo at walang pagaalinlangan.

Ang pinakamasarap na pakiramdam kapag nagmamahal ka ay yung tinatanggap niya kung sino at ano ka.

(Source: gravityymind)

May 28, 2012 at 10:33am
72 notes
Reblogged from gravityymind

What’s so special about Long Distance Relationships?

I do believe that Long Distance Relationship is one of the most special relationships. The fact na nagiging special and magical ang isang long distance relationship nang dahil lang sa pagmamahalan nilang dalawa. Nang dahil lang sa pinapakita na hindi hadlang ang distance sa pagmamahalan ng kahit sinong tao. Totoo naman na hindi basehan ng isang relasyon ang distansya, never. Somehow mahirap kung sa mahirap pumasok sa isang relationship. Hindi araw araw nagkakasama kayo, yung tipong kapag gusto mo siyang makasama wala siya diyan lagi para sa’yo. Kaya kung maraming tao ang pasado dito sa ganitong klase ng relasyon may mga tao rin na kumokontra. Para sakanila never daw magwowork ang isang Long Distance Relationship. Siguro in a way, nasaktan na sila sa nangyari or they’ve been there. Kung baga tested na sila na never magwoworkout ang ganitong klase ng scenario lalo na kung sa maling oras at panahon ang relasyon niyong dalawa.

Wow? Wrong place and wrong time? In a way siguro or somehow. Pero mas mahalaga pa ba yun sa kung anong dinidikta ng puso mo? Minsan kasi hindi natin maiwasan tanungin ang sarili natin kung ano ang susundin natin. Kung ang dikta ba ng puso natin o ang dikta ng utak natin. Ang hirap ‘diba? At madalas sa bigat ng emosyon na dinadala natin nahihirapan na tayo maghandle ng ganitong relasyon. Yung feeling na akala mo pagod na pagod ka na sa pag-iintindi sa relasyon niyo. Pero ikaw hindi mo man lang naisip na kahit siya napapagod narin but never siyang sumuko sa’yo at sa relasyon niyong dalawa.

Ako masasabi ko na never ako naging against sa ganitong klaseng relasyon. Like what I’ve said this kind of relationships are exceptional yet magical. Maraming bagay ang mararamdaman mo na hindi nararamdaman ng isang simpleng couple lang. At patunayan niyo lang sa mga tao na never magiging hadlang ang kahit sinong tao para sa pagmamahalan niyong dalawa at never magiging hadlang ang distansya para malaman niyo kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa.

(Source: gravityymind)

May 25, 2012 at 9:59am
50 notes
Reblogged from gravityymind

May isang tanong na hanggang ngayon gumugulo sa isipan ko.

Bakit may mga taong paasa at madaling magsawa sa relasyon? — Bakit nga ba? Siguro kahit sila mismo hindi nila alam kung anong isasagot nila, dahil sila mismo pinaasa at nasaktan. Napagsawaan at iniwan. Siguro maaaring ‘yun ang dahilan nila kung bakit ginagawa rin naman nila ‘to sa ibang tao na hindi naman dapat sinasaktan, iniiwan at pinapaasa.

Pero sa tingin ba nila sapat na dahilan na yun para may saktan sila? — Hindi.

Darating ang isang araw na makakahanap din sila ng katapat nila. Yung isang tao na magpaparamdam sakanila kung bakit hindi dapat sinasaktan ang mga taong nasa paligid nila. Yung mga taong hindi dapat mong saktan dahil mahal ka.

(Source: gravityymind)

May 21, 2012 at 8:17am
64 notes
Reblogged from gravityymind

Love is about acceptance and contentment. No one has the right to dictate what really love is and whom to find it.

(Source: gravityymind)

May 19, 2012 at 10:09am
84 notes
Reblogged from gravityymind

Ayos lang magpakatanga at umiyak ka sa taong mahal mo.

It’s given na kapag pumasok ka sa isang relasyon talagang part na ng isang relasyon ang iyakan mo ang taong ‘to, hindi pa naman dito papasok ang part ng pagiging tanga mo sa isang relasyon. Kapag nakagawa ka ng mga bagay na hindi mo inaakalang magagawa mo pala dyan mo masasabing nagpapakatanga ka na talaga sakanya. Somehow parte na ng isang relasyon ang magpakatanga ka para sa taong mahal mo, ang iyakan mo siya but you should know when to stop. Dapat alam mo na hindi sa lahat ng oras iiyakan mo siya hindi sa lahat ng oras dapat nagpapakatanga ka sakanya dapat alam mo parin kung paano at kailan ka titigil. Maaaring lumaki ang ulo niya dahil sa kinukunsinti mo siya, maraming bagay ang maaaring mangyari kapag hinahayaan mo lang mangyari yun. Sa totoo lang mahirap magmahal. Isa rin ‘to sa mga bagay na nagpapakomplikado pagdating sa isang relasyon.

Ako masasabi kong nagpakatanga ako sa ex ko, sobra sobrang luha ang sinayang ko sakanya no’ng kami pa. Yung tipong umabot ako sa punto na kahit alam kong nagpapakatanga ako sakanya hindi parin ako tumigil kahit na alam kong niloloko nalang niya ko, hindi parin ako tumigil. Alam niyo kung bakit? Simple lang. Mahirap mawala yung nararamdaman ko sakanya no’ng mga oras na yun. Kapag mahal mo talaga ang isang tao mahihirapan at mahihirapan kang pakawalan siya. The worst part hindi naman basta basta mawawala yung nararamdaman mo para sakanya.

Kung magpapakatanga ka sakanya at kung iiyakan mo siya, siguraduhin mong worth it lahat lahat. Yung tipong nagagawa mo yun at hindi niya hinahayaang maulit yun. Yung tipong kapag umiiyak ka papatahanin ka niya yung kapag alam niyang nagmumukha kang tanga hindi niya na ulit hinahayaang gawin mo ulitin mo yun. Dahil mahal ka niya eh. Mahirap at masarap ang magmahal. Nandyan na yung gabi gabi maaaring tumatawa ka o maaari ring umiiyak ka nang siya yung dahilan. Hindi rin naman kasi natin masasabi kung ano ang dapat nating gawin sa hindi. Wala namang kahit sino ang makakapagdikta nang kung ano ang dapat mong gawin at hindi.

Ang tanging magagawa mo lang ay mahalin siya at ipakita mo sakanya kung ano ba talaga siya sa buhay mo. Kahit umiyak ka, kahit nagpapakatanga ka ayos lang yan. Kung alam mo ba naman na worth it lahat lahat. Kung alam mo na hindi matatapos ang isang araw nang hindi niya pinapakita sa’yo kung ano ba talaga ang halaga mo sakanya at kung ano ka ba talaga sa buhay niya.

(Source: gravityymind)

May 17, 2012 at 8:54am
55 notes
Reblogged from gravityymind

Thalia praises Jessica Sanchez with her tonight’s performance.

Napapansin ko na netong mga nakaraan na dumarami nga ang mga artistang nagiging fan ni Jessica Sanchez. Kahit ako sa totoo lang hindi ko inaasahan na magiging fan niya din ako. Wala nga akong balak panoorin talaga ang American Idol. Pero sa t’wing nalalaman ko na may Pinoy na kasali dito ay napipilitan akong panoorin din ‘to.

And of all the Pinoy na naging contestant dito masasabi ko na si Jessica ang pinakamagaling from Thia Megia, Ramiele Malubay and Jasmine Trias. And ngayong palapit na talaga ang finale hindi ko maiwasan na hindi kabahan para sakanya dahil sa totoo lang naging fan na talaga ako ng taong ‘to. Well kahit ano naman mangyari I’ll be her fan and for sure kapag nagkaroon siya ng album hindi pwedeng hindi bumenta ‘to.

(Source: gravityymind)

4:13am
48 notes
Reblogged from gravityymind

I Don’t Wanna Miss A Thing by Jessica Sanchez

Another great performance from Jessica Sanchez despite of having a sore throat. Steven Tyler who originally sang I Don’t Wanna Miss A Thing gave her another standing ovation with this performance.

(Source: gravityymind)

May 13, 2012 at 4:37am
60 notes
Reblogged from gravityymind

Happy Birthday  and Happy Mother’s Day Ma!

I’m so thankful for everything. Sa lahat lahat ng pagsasakripisyo na ginagawa mo para sa’min. Alam ko naman na kahit madalas pinapasakit ko ang ulo mo, ikaw ang una’t huling tao na umiintindi sa’kin. Madalas kapag alam mong malungkot ako, ikaw na mismo ang lalapit sa’kin at itatanong kung ano ang problema ko o kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

Ma, salamat dahil sa lungkot at ligaya nandyan ka para sa’kin. Alam mong mas malapit ang loob ko sa’yo kesa kay daddy. At sana pagpapasensyahan mo ako kung madalas napapalakas ang sagot ko sa’yo, humihingi din ako ng sorry dahil hindi ako ang perpektong anak mo but still tinatanggap mo parin ako.

Sa umaga, noong elementary ako ikaw ang taong gumigising sa’min at naghahanda ng kakaininin namin sa umaga. Sa ilang tao na pagiging ina mo, ‘yun nalang ang lagi mong ginagawa, ang pagsilbihan ang pamilya na ‘to. At sobrang salamat dahil hindi ka nagsasawa sa ilang taon pa ng pagtulong mo sa’min ng kapatid ko at kay papa. Ang tanging alam ko lang kapag nagkatrabaho ako, sa’yong sa’yo ang unang sahod na dadampi sa palad ko.

Ma, salamat dahil sa t’wing may umaaway sa’kin no’ng bata kami, ikaw agad ang magtatanggol sa’min dahil alam mong wala si daddy, dahil alam naman nating nasa ibang bansa siya para magtrabaho. Naalala mo pa ba nung inaway ako ng kaklase ko nung grade 2 ako dahil pinagsisira niya yung bag ko? Ikaw agad ang unang sumugod sa school at pinagsabihan mo yung kaklase ko. No’ng una kapag naaalala ko yun parang wala lang sa’kin, pero ngayon para sa’kin yung ginawa mong yun isang malaking bagay na kaya kong ipagmalaki no’ng bata ako.

Salamat ma, dahil hindi ka napapagod mahalin kami, salamat ma, dahil ikaw ang una’t huling tao na natatakbuhan ko sa t’wing wala na akong malabasan ng problema ko.

Hindi sapat ang mga salita ‘tong para pasalamatan ka, para masabi ko sa’yo kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat lahat. Happy Mothers Day ma! & Happy Birthday ulit. Mahal na mahal kita. At hanggang sa huli, hinding hindi kita iiwan.

(Source: gravityymind)

2:26am
76 notes
Reblogged from gravityymind

Bataan Meet-up 2. 05/12/12.

So, kahapon ang hindi namin inaasahan na may pupunta palang meet-up. Sa totoo lang akala ko mga 10 lang kaming pupunta or less than that pero nung pagpunta ko do’n nasa mahigit 30 naman pala ang umattend, eksaktong eksakto sa bilang ng nag-RSVP. Kasi usually kapag sa RSVP ang umattend 100+ madalas mas konti pa dun ang expected na pupunta ‘diba? Pero sa meet-up saktong sakto sa bilang ng mga attendees.

Around 1:30 na nung nakarating ako ng meet-up. Una kong nakita sila Jaezel at ang ate niya na si JM kasama narin ang pinsan niya. Tinanong ko sila kung kanina pa ba sila naghihintay, sabi nila halos kararating lang daw nila. Tinanong ko kung kasama ba yung iba sa meet-up. I mean, yung mga tao sa Beanery kung kasama din ba sila.

Sinabi nila hindi sila sigurado, so ako na yung unang nagtanong sa mga taong ‘to kung kasama ba sila.. At buti nalang kasama sila at sila kasi yung una kong tinanong at kinausap.

Then syempre kinausap ko naman sila, ayoko kasing isipin ng kahit sinong tao na organizer ako tapos hindi ko man lang sila kinakausap. Halos isa isa sila kinausap ko sana hindi naman sila na-OP.

Ang sumunod naman na kinausap ko ay yung mga schoolmate ko from Asia. Sa totoo lang mga familiar mukha nila kaya medyo madali ko naman silang nakausap.

Pasensya na kung yung stolen yung nilagay ko kasi wala akong makita na matinong picture niyo, dahil nacorrupt yung memory card. Hihi.

Sumunod ko namang pinuntahan ay ‘tong dalawang magkaklase na ‘to from Peninsula. ‘Tong mga trese anyos na ‘to na ang aaga namulat sa Tumblr. Hahaha! Pero sa totoo lang nagenjoy akong kausapin sila. Lalo na sa speed dating.

Nasa tabi lang din naman nila yung mga dati kong schoolmate. Yes! May kaklase ako from elementary na si Marvin/Vin. Nandyan din yung mga dati kong schoolmate nung sa dati kong school.

So maya maya pa, after namin kumain ay sinimulan narin naman yung activities namin. At inuna nanamin ang speed dating, which is wala kaming matinong picture dun. After naman namin magkausap usap ng by group ay sinimulan nanamin pagusapan ang mga tungkol sa Tumblr namin. Tinanong namin kung ilan ang finofollow nila, followers, dream followers at kung anong klaseng bloggers ba sila. Nakakatuwa lang din isipin na hindi sila yung ibang mga bloggers na masyadong ginagawang showbiz ang Tumblr. So here’s some of our pictures..

Grabe mukha kaming mga basang sisiw ‘diba? Hindi naman kasi namin pwedeng ganapin yung activity namin dun mismo sa loob ng coffee shop kaya ginawa nalang namin yung activity namin outside Beanery. Muntikan pa nga kaming mapaalis eh.

Around 4PM. Lumipat na kami ng venue. Lumipat kami sa mas malamig na lugar, kung saan ginanap din namin ang iba’t iba pang activities. Una, wala pa kaming maisip na activities nila Mon at Angel buti nalang habang nagiisip kami ng activities na pwedeng gawin ay dinaldal ni Tito/Jose yung iba kaya feeling ko hindi naman sila nabored.

So maya maya pa naisip namin na maglaro ng Pinoy Henyo. Kung saan 2 group ang naglaban laban. At dahil wala kaming maisip na price ni Mon ay naisipan nalang namin na ipromote kung sino man ang mananalong group. Feeling kami ni Mon ‘no? Kaso wala talaga kaming maisip na price, eh wala naman din kaming pera.

Actually madaming picture ng Pinyo Henyo game namin kaso ang hirap imano mano ng resize ng pictures. Kaya pagpasensyahan niyo na rin kung isa isa lang ang paglalagay ko ng pictures dito.

So ayun nga after naman nun ay naglaro kami ng number game, hindi ko alam kung anong tawag dun pero nagenjoy naman kami kahit pagabi na kami natapos dun sa ginagawa naming laro. So before kami umuwi syempre hindi pwedeng mawala ang kuhanan ng pictures.

Tignan niyo naman yung itsura ko konti nalang pwede ka ng magluto ng itlog sa mukha ko. Hahahahahaha! Pero it was nice meeting you guys!

Sa uulitin! For sure may Bataan Meet-up 3 naman eh. And sa lahat ng nakasama ko kahapon message niyo lang ako kung kailangan niyo ng makakausap. It was nice meeting you all guys! Sa mga co-org ko na sila Monomia at Missmanhater. Thank you! Salamat sa lahat lahat ng tao na naging bahagi ng meet-up na ‘to.

Salamat! (For more pictures iuupload ko nalang siya sa Facebook. Salamat ulit!)

(Source: gravityymind)